Sabado, Enero 7, 2012

Jinji Skaters & Company: Ang Barkadahan na Nag-umpisa sa Isang Larawan


Sa buhay, hindi naman natin kailangan ng mga kaibigan na may angking ugali na katulad ng sa atin, naniniwala sa mga bagay at ideolohiyang pinaniniwalaan natin, may kaparehas na interes at hilig gawin, o kahit na parehong katayuan sa lipunan. Sa totoo lang, kung sino pa 'yong mga tao na sadyang iba sa atin, may ibang mga paniniwala at interes, at 'yong mga hindi natin inakalang maaari pala nating maging kaibigan ang siya pang naging pinakamalalapit sa puso natin.

May mga bagay na pagkakasunduan, may ilan rin namang pagtatalunan. May oras para sa tawanan, mayroon din para sa iyakan. Kung minsan, kumpleto, may mga pagkakataon din naman na kulang-kulang. Ngunit anu't anuman ang mangyari, hindi nag-iiwanan ang tunay na magkakaibigan at mananatiling matibay ang barakada.

Ganyan kami.
Ganyan ang Jinji Skaters & Company. :)

P.S. Mahal ko kayo mga bessy! <3


0 (mga) komento: